Wednesday, June 17, 2009

KFC Philippines - RTM Movement

Para maabot ang malawak na hanay ng mga Restaurant Team Members (RTM) ng KFC Philippines sa buong bansa, ang BLOG na ito ay ginawa upang maging daluyan ng ating komunikasyon at mga pahayag upang mabuo natin ang iisang layunin na maorganisa ang ating hanay at sama-samang kumilos upang ipagtangol at ipaglaban ang ating mga KARAPATAN, BENIPISYO AT MAAYOS NA WORKING CONDITION.

Ang mga RTM ay matatagpuan sa maraming KFC Restaurant branches sa mga sumusunod na lugar sa Pilipinas:

1. National Capital Region
2. Laguna Province
3. Cavite Provinvince
4. Pampanga Province
5. Bulacan Province
6. Gapan City
7. Cabanatuan City
8. Tarlac City
9. Balanga City
10. Dagupan City
11. San fernando La Union
12. Baguio City
13. Lucena City
14. Naga City
15. Cebu City
16. Bacolod City
17. Iloilo City
18. Cagayan De Oro City
19. Zamboanga City
20. Davao City
21. General Santos City

31 comments:

  1. this things should be raise when the time of those fucking,biased,subjective polygraph test is starting,what will happend to those who compelled to resign bcuz of those stupid results in this moro-moro polygraph,can they still comeback,?of course not,this is to late for those who gave there shit out for this company it came to waste,like JOHNLOYD....lol

    ReplyDelete
  2. tunay ngang napakasaklap ng pangyayaring ito. bukod dito sa hinaing ito, alam kong mapakarami pang mga pang-aabuso ng naturang kompanya di lamang sa mga rtm nito pati na rin sa mga empleyado nito sa ibang departamento.hindi lamang status ng rtm ang problema dito pati na rin ang kondisyon sa trabaho at sabihin na nating di makatwirang pagtrato nito..
    sa totoo lang nagi-guilty rn ako kasi naging bahagi rin ako nito at sabihin na nating di ko rin gusto ang ganitong kalakaran..
    ----unhappy manager---

    ReplyDelete
  3. gud day!!!

    hindi po aq pabor sa ginawa ng kfc na ipinatupad ang polygraph.marami po ang nawalan ng trabaho,,...isa aq sa mga nakaranas na natanggalan ng trabaho sa dahilan lamang ng "POLYGRAPH"..ginawa q lahat ng effort sa aking trabaho sa KFC..KAHIT OUT NA Q nandun parin aq para gampanan ang aking trabaho,,ganun din ang mga kapwa q rtm...SANA BAGO NILA IPINATUPAD ANG POLYGRAPH,,YUNG MGA BOSING MUNA ANG SUMUBOK NITO...ginawa lang nilang dahilan ang POLYGRAPH para magbawas ng tauhan sa kfc!!!halus lahat gumagalaw sa kfc ay mga RTM!!MGA MANAGER NA YAN utos lang ng utos!!!
    tignan nyo puro matatagal ang natanggal!!! hindi ba nila naisip isa kami sa mga pundasyon ng kfc!!!..ito lang masasabi q mga co-RTM "BABAGSAK DIN SILA SA KINALALAGYAN NILA"MAGKAISA LANG TAYONG PABAGSAKIN SILA...
    -PRICELESS---

    ReplyDelete
  4. magkahalong lungkot at pagkabwisit ang aking nararamdaman sa KFC ngayon, ako ay isang kasalukuyang manager sa KFC at natatawa na lang ako sa mga kasalukuyang polisiyang kanilang pinapatupad!tahasang paglabag sa karapatang pangtao, lantarang pagtapak sa dignidad masiguro lamang na hindi mabawasan ang mga milyung-milyong kinikita ng kompanya na galing sa dugo't pawis ng mga nagtatrabaho dito, dati din akong RTM nagsikap at pinagbutihan ang trabaho para marating ang posisiyon ko ngayon, na sa tingin ko ay nangangambang mabalewala at mabahiran ng malisya dahil sa ginagawang POLYGRAPH EXAM?!? nde ako santo, pero nde din ako hipokrito...sino nga ba ang hindi nagkakamali?? kung iisipin natin mabuti, pilit nilang pinapasok sa utak at puso natin ang mga work values ng kompanya...at ang pinaka paborito ko ay Belief in people?!! paano natin to seseryosohin na kung sila mismo ang unang hindi gumagawa nito? Sa totoo lang sobrang wala na akong gana sa trabaho, nalulungkot ako na ang kompanyang minahal ko at pinagmamalaki ng halos 6 na taon ay nalulunod na sa kasakiman at mga pansariling kapakanan ng mga nakakataas.
    ---Pantry/kitchen/dining/DJ/counter/guard/engineering/plumber/manager(eto yung buong title ng position ko sa KFC) :/

    ReplyDelete
  5. magandang araw....

    Gusto ko lang i-share ang aking nararamdaman sa polisiyang pinauso ng KFC pilipinas.... Isa ako sa mga empleyado ng KFC, masasabi kong malaki ang pagpapahalaga ko at dedikasyon sa aking trabaho bilang isang manager ngunit akoy nalulungkot na ang kumpanya ko palang minamahal ay hindi marunong magpahalaga sa sa mga RTM natin na nagsusumikap at ginagawa ang lahat para mas lalo pang umangat ang antas ng KFC among many competitor, sa bawat patak ng pawis at hirap sa operation na dinaranas ng mga RTM para lang ma meet ang minimithi nating target sales ay siya namang patak ng luha nila at sigaw sa hindi makatarungang pagtatanggal ng KFC sa mga RTM na failed sa POLYGRAPH.... bilang boses ng mga RTM na walang lakas ng loob na ilabas ang kanilang saloobin tungkol sa patakarang ito, IKAW! oo IKAW nga! na nag imbento ng machine at nakaisip ng panukalang i-undergo ang mga nasa operation and other department sa polygraph para lang tanggalin eh ISA lang masasabi ko... WALA KANG KWENTA! ng dahil sayo marami ang nawalan ng trabaho at mawawalan ng trabaho kapag pinagpatuloy parin ang POLYGRAPH na yan... PATAS SANA ANG LABAN KUNG ANG GINAWA NYO AY SIMULA SA PRESIDENTE HANGANG SA MGA RTM ang pag po-polygraph.... yun nga lang kapag failed ang result ng presidente o kung sino mang nasa higher position eh dapat din tanggalin ng sa gayon ay magkaron ng PANTAY NA BATAS SA MGA MATATAAS NA TAO SA KFC HANGGANG SA ISANG MABABANG URI NG EMPLEYADO SA KFC... sa kabilang banda, bakit mo mas paniniwalaan ang device na ginagamit sa POLYGRAPH eh tao lang din naman ang gumawa nun???! d ba?!!!! ang pagsasabi ng tapat at paghusga sa isang empleyado ay hindi kayang sukatin ng isang POLYGRAPH device lamang kundi ang pakikipagkapwa tao at maayos na pagbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa bawat empleyado sa KFC.... ikaw na nag pauso ng polygraph tatanungin kita, yan bang panukala mu sa polygraph device na yan eh kayang mag serve sa customer/ kaya ba nyan na mag take ng order? kaya ba nyan na mag assemble ng product? kaya ba nyan na mag bread ng pinakasikat at pinaka tanyag na CHICHEN with 11 secret herbs and spices??? kaya ba nyan magbigay ng sales at itaas ang brand ng KFC among other fastfood????? isang malaking HINDI!!!!!!!!!!! kase isa kalang device na inembento ng malawak at nakakatawang imahinasyon ng TAO...... pero alam mo, lahat ng tinanong ko sayo, lahat ng yun ay kayang kayang gawin ng mga RTM, Managers at iba pang empleyado sa kfc na naka schedule sa POLYGRAPH kase hindi kami isang device lang na iniembento... kase totoo kami at may pagmamahal sa trabaho, tao kami na kagaya mo na nag-iisip kung pano pa natin mapapaganda ang ating kumpanya..... bakit mo higit na paniniwalaan ang resulta ng polygraph kaysa sa kapwa mo? belief in people ba kamo????
    nasan na yun? kagaya ng paghanga ko sa aking idolo na si MICHAEL JACKISTON, kasama narin nyang namatay ang pagkakaroon ng pantay at makatao na pagpapahalaga sa mga maliliit na empleyado ng KFC....... tandaan mo, hindi ang polygraph ang solusyon para magkaron ka ng mga truthful na empleyado kundi ang wastong pagbibigay ng karapatang pang tao at paniniwala sa kapwa mo... LAHAT TAYO AY MAMAMATAY DIN, PERO ANG PINAGLALABAN NAMIN SA PAGBABAGO NG POLISIYANG ITO AY KAILANMAN AY HINDI MAMAMATAY HANGGAT HINDI ITO NABABAGO.... salamat sa mga matiyagang nagbasa ng BLOg ko, at sa lahat ng makabasa nito na pabor sa opinyon ko magkaisa tayo kapatid... at sa lahat ng hindi sang ayon sa opinyon ko, pwede manigas ka nalng jan! wala kang paki alam kase BLOG ko ito... maggawa ka ng sarili mong opinyon! walang kang paki-alam kung ayaw mong hambalusin kita ng L-Bar!!!! hmp....

    -------RIP MICHAEL JACKISTON---------

    ReplyDelete
  6. nivram_naruto


    nais ko lng poh snang ipaalam sa lhat na nakabasa nito...na sobrang hndi makatao at biased ng kumpanyang kfc na yan,,, ang gobyerno nga natin eh gumgawa nang paraan upang mabwasan ang mga unemploy na kabataan ngaun tapos sila gumagawa na paraan para mwla ang mga nagserbisyo at ibinuhos ang lhat nang kanilang makakaya para lng kumita ang kumpanya nila,kahit nga walang bayad eh nagchacharity kmi para lmang matulungan ang operation ng store kasi minahal at pinhalagahan nmin ang trabahong ipinagkatiwala ng mga walang pusong namamahala sa kfc,,,mali pla kmi dhil sa kabila ng mga paghihirap,malasakit,at effort na ginagawa namineh baliwawla pla ang baba ng tingin nila sa mga operation...sila kya lumagy sa sitwasyon nang operation ewan ko lng...sayang lng po ang mga training na ikinoconduct nila,,,pinapaasa lng nila ang mga kawawng rtm...sana lng matauhan na ang presidente(jrm) ng kfc dahil sobra na ang gingawa nila!!!!hindiman kmi magtagumpay na mapatangal ang polygrapheh angn diyos na ang bahalang humusga sa inyo!!!!sana lng dniyo maranasan ang nangyari sa min dahil sobrang hirap ng maghanap nang trabaho... yun lng masasabi ko....

    sa mga ksma ko jan na lumalaban godbless us...

    sa mga nsa operation pa pwedi po kaung lumaban wag kaung maduduwag dahil krapatn natin ang isang MAKATAONG pakikisma....

    ReplyDelete
  7. ako bilang 9 na taon na naglingkod sa kfc na dati ratiy iniidolo ko yun palay may nakabalot na ganitong sistema lubha akong nalulungkot sa mga rtm na ginagago ng ganitong pamamaraan.bakit nu nakukuhang manliit at yurakan ang pagkatao ng isang indibidwal.tao din kayong tulad namin may mataas mang pinag aralan ngunit balot namn ng msamang intensyon ang inyong pinatutupad.di nu alam ang maging wala at maging kawawa at itapon pagkatapos gamitin.nakakalungkot lang kasi ang dating iniidolo kong kumpanya ngayon ay sya ko nang kinasusuklaman sa ngayon.sanay magising kayo sa katotohanan na marami na kayong nasasaktang tao at maling mali ang pamamalakad na gingawa nyo.gingawa nu lang namn yan sa pansarili nung intereshindi sa interes ng nasasakupan nyo.kayo ang magising sa katotohanan na kayo mismo sa sarili nyo ay may pagkukulang at gahaman sa kapangyarihan.

    ReplyDelete
  8. dapat nating patunayan na mas makapangyarihan ang sama-sama nating paglaban kaysa sa mga bayarang tauhan ng KFC. Makatarungan at ligal ang ating panawagan, at hindi kailanman pedeng sabihin ng KFC na iligal ang ginagawa nating paglaban. Sila ang may iligal na ginawa, kasi iligal at walang katwiran ang pagtatanggal nila sa atin!

    Kailangan nating kontakin pa ang ibang mga natanggal. Bukod sa laban natin sa korte, kailangan nating ilantad ito sa pinakamaraming mamamayan gamit ang mass media. Higit sa lahat, ang pinakamalakas nating weapon ay ang direktang protesta sa harap ng KFC managment.

    Tuluy-tuloy lang ang laban!

    -Paolo

    ReplyDelete
  9. You can watch KODAO Productions' coverage of the KFC restaurant team members' picket rally at Matalino St., Brgy Central at http://www.kodao.org/

    ReplyDelete
  10. Mga mahal kong kasama sa pakikibaka. May tagumpay kapag kayo ay magdemanda. I filed a case against Jess Montemayor, Jay Lazaro, Food Fest Land,Inc,Wholesome Foods,Hi-Flyers and Open Link for constructive dismissal and illegal dismissal with prayers for separation pay,moral and exemplary damages and other money claims. Just recently, NLRC handed down a decision which to a great extent upheld my contention. THe 1st Division has ordered the above-mentioned persons and companies to pay me separation pay,backwages for a certain period, balance of my salary and other benefits, and moral and exemplary damages. This is a major victory because the decision of the 1st Division established the culpability of all the REspondents and even ruled that MONTEMAYOR and LAZARO should be held accountable in their ownpersonal capacities. THe decision also asserted that the REspondents employed MALICE and BAD FAITH in WANTON and MALEVOLENT manner and for this they were ordered to pay me moral and exemplary damages.
    I held a middle management position when I was terminated. WAla akong masamang record and I was the recepient of a very rare recognition for job excellence. I was able to deliver 64 Million worth of rental savings for this company.11 years I served and 11 years I served the company well. Yet, for reasons only Montemayor and Lazaro can understand,I was subjected to CONSTRUCTIVE DISMISSAL and later on was illegally dismissed by MONTEMAYOR. LAZARO recommended my dismissal with an e-mail containing 24 sentences and 19 lies. Before this experience,I never thought that a person can lie 19 times in 24 sentences but I guess even evil has its share of miracles. Sa kabila ng mga kasinungalingang ito, ikinalat pa ni Montemayor and e-mail na ito ni Lazaro and directly ordered all officers and the people under them to be "UNREASONABLE" to me. I have never imagine that they will even resort to this kind of pusilaminity. Lazaro even went to the extent of warning other companies fromhiring me. THeir unreasonable wrath and misguided attitude towards me has searched and followed me even beyond my employment with KFC. Pero and commission po ay nakita ang malaking injustice na ito at sila po ay nagbaba ng kaukulang pagpapasya. Ihave submitted overwhelming evidences to prove this at kung gusto po ni Montemayor at Lazaro na gamitin ang poligraph nila para malaman kung sino sa amin ang sinungaling, handa po ako bastat sila ma'y tatalima rin sa proseso ng polygraph.
    Lumaban po ako ng walang abogado at sa kabila nito I have received a favorable decision from NLRC because TRUTH and GOODNESS is on my side. KAyo po ay nararapat na lumaban din sapagkat kayo ay nasa panig ng katwiran. Magkaisa tayong lahat! Ang katarungan ay makakamit natin !!!

    ReplyDelete
  11. I fully symphatize with what you guys are fighting for. Tama. Magdemanda kayo, ireklamo ninyo sa nlrc. Call the attention of senators and congressmen. Ask your friends and relatives to boycott KFC, MOTOLITE, MISTER DONUT and TOKYO-TOKYO. Humingi rin kayo ng tulong sa media. Huwag kayong panghinaan ng loob dahil matagal na laban ito.
    Bakit nga ba maraming kumpanya ang KFC samantalang iisa lang me ari? Dapat ipaliwanag ng me-ari ang tanong na ito at dapat nakakabit din siya sa polygraph machine. Ito ba ay isang sistematikong panlilinlang at pagpapaikot ng batas upang matakasan nila ang kanilang mga responsibilidad sa mg a manggagawa? If this is true then, the owner should be placed behind bars. And senate should make an inquiry into this because KFC is running rings around the laws these good senators enacted.

    ReplyDelete
  12. I spent 6 years of my life serving kfc, inidolo at hinangaan dahil maraming natu2lungan dahil sa continuos rehire..kase di mu na need maghanap ng new company para sa bagong work. Okay naman ang lahat hanggang sa isang araw e isinalang n lng aq sa POLYGRAPH at cnabing tanggal nq kc daw bagsak daw ako sa integrity test..TAMA ba Yun? tatagal ba q sa kfc if may anomalya akong gnagawa...Akala q wala na akong maga2wa sa ngyari, nung una gus2 q tlaga mag.file ng complain kaso lang wala nman akong idea if ano b dpat gwin at wlang gustong mkisama saken. Hanggang sa may mga bagong batch na natanggal na malakas ang loob at alam ang pinaglalaban nila kaya nagfile ng complaint sa NLRC...MATATALINO nga cla e kya sumali ako dahil guys it's time to abolish KFC's wrong doings. Tayo pa kinalaban nila e dapat nga db tayo ang isa sa mga dapat nilang bigyan ng halaga para sa kumpanya!!! ....WAG MATAKOT MKIBAKA!!! so far successfull naman mga pag.pi.picket na gnagawa ng mga ksamahan naten!!!!

    ReplyDelete
  13. Just to let everyone know that Sen. Jinggoy Estrada is the chairman of the Senate Oversight Committe On Labor. You can visit his website and express your sentiments and who knows, we might get lucky that he will call a congressional inquiry on this issue.

    Nalala ko pa that Mr. Agustines used to gather some employees to join anti-erap rallies before, di ba? E di maganda na magharap silang muli. Sabi nga ni erap, weather-weather lang yan pre.

    You may also get in touch with Sen. Jinggoy Estrada at tel# 552-6601 loc 2521 or fax: 552-6685.

    Tulong ko sa inyo yan dahil I feel that you should be helped and you deserve it. Nandito lang ako always watching.

    ReplyDelete
  14. Mga kaibigan, ako'y sumusuporta sa inyong laban. makatarungan lamang na ibalik kayo sa trabaho dahil iligal ang pagkakatanggal sa inyo. Ipaparamdam natin sa KFC management na hindi pera-pera ang labanan dito, kundi usapin ito ng pagkamit ng katarungan hindi lang para sa atin kundi sa libu-libo pang inaalipin ng malalaking kumpanya.

    Maari akong magsulat ng mga articles/releases para mailantad natin to sa media. Kontakin nyo lamang ako sa number na ito: 09052347046..

    I-publicize din natin ang blog na ito para makabuo tayo ng ugnay sa iba't-ibang regions.

    -Kamilo

    ReplyDelete
  15. plz open this blog http://rtmmovement.blogspot.com

    wag tayo matakot ipaglaban natin ang ating karapatan...tayo ay magsama sama...kelangn pagbayarin ni MAURO AGUSTINES ang kanyang pagka2utang sa'tin at sa GOBYERNO sa di tamang pagbayad ng BUWIS!!!

    sa lahat ng gsto sumama sa mga pulong at picket nmin plz email me rtmmovement@yahoo.com

    May God always bless US!!!

    ReplyDelete
  16. I have a neighbor who used to work with KFC. Ganun din ang style, paikot-ikot lang sya sa iba't iba't ibang kumpanya ng kfc kaya di siya naregular in spite 3 years na sya rito. When she reached 26 years old, di na siya ni-renew. Of course, bawal ito and she has a cause of action against KFC but then huli na ang lahat kasi 2006 pa siya huling naempleo sa KFC at lumagpas na yung 3-year prescription period para mag-file ng kaso sa NLRC.

    Kaya kayo,the earlier you can file the illegal dismissal case, the better. If you don't know how u may text me at 0923-4662309.

    ReplyDelete
  17. K-katayin and F-fastfood worker C-contractualization. I think this is the real objective kasi isa lang ang KFC sa mga kumpanyang nagpapatupad ng di makataong contractualization. Huwag nating tangkilikin ang mga kumpanyang which K-kicks, F-fires C-crew sapamamagitan ng polygraph results. Isang panawagan sa lahat ng tumatakbo for public office ang ganitong uri ng pagsasamantala sa mga manggagawa. THis administration has done absolutely NOTHING to stop contractualization of fastfood workers. Di nila narerealize na maraming boto ang kumakatawan sa mga fastfood workers. There are millions. In fact to our estimate, there are over 5 million fastfood workers all over the country. Isama pa natin ang mga miyembro ng kanilang pamilya at mga kaibigan na pwede nilang mainpluensiyahan. This will run t5o about 20 million voters. Kung ito ay babalewalain ng mga kumakandidato, it would be a pity dahil tiyak na di sila mananalo. I am calling the attention of Honorable Sen. Jinggoy Estrada, Chairman of the Senate oversight committee on labor na kumilos na. His inaction would mean he is adverse to the interest of millions of contractual workers. Ganun din ang iba pang miyembro ng committee like Sen. Chiz Escudero. Ano ang ginagawa mo? Puro ka lang ba dada? Pagsasalita lang ba na parang lasing ang kaya mong gawin? And so does Sen. Bong Revilla. Puro ka lang ba arte? It is disgusting that ther so called partylists voted to fight for the interest of young workers ay napipi na rin...It is really disgusting that in this fight we are left to fight for ourselves ALONE. Yung Akbayan Party, nasaan kayo mga kasama? Yung mga so-called cause-oriented groups, nasaas kayo? Sa totoo lang ang Kilusang mayo Uno lang ang nakita kong tumutulong and all the rest ay walang naitutulong.

    Be as it may, we can solidify and unite as a big group. We have a cause, a noble cause. We have the numbers, we are millions. It is about time we stand up at5 K-alusin ang F-futanginang C-contractualization.

    ReplyDelete
  18. Somebody told me that tuloy pa rin ang pag gamit ng Polygraph Machine in this company which unrelentlessly K-kicks F-ires C-rew merely on the basis of the results of this machine. A reliable source told me also na nagsisisipsip sa DOLE ang kumpanyang ito and in one occasion ay namigay ng product nila in that government institution. Hence, nagbububulagbulagan ang DOLE at NLRC ngayon.... Is this true?

    I have talked to some of your members, marami sa kanila ay hindi pa makakilos because ni wala ngang pamasahe. Hindi ko mawari how some people can feast on money that were supposed to be their workers' money. Kung hindi nila kayo niloko, dapay sana ay makakamit ninyo ang mga benefits na nararapat lamang ay sa inyo.

    Pero huwag kayong panghinaan ng loob. Some generous and noble hearts have offered help. I am now working on it. We will not stop until justice is served. For the meantime ay kinakarma na ang mjga taong nasa likod ng pagsasamantala sa inyo. Is it true na one high ranking officers daw ng kumpanya ang may anak na babae na taon-taon ay dinadala sa Amerika because may rare disease which needs periodic operation? Nabubulok daw ang skin sa mukha at kinakailangang palitan ang tissues every now and then. To him, I say this...magbago ka na pare at itigil mo na ang pang-aapi sa mga manggagawa mo at tiyak ko na may mas malaki pang karma ang darating sa yo pag di ka nagsisi.

    Balita ko rin, di siya makatapak sa Cebu at natatakot dun sa isang RGM na tinanggal niya illegally. Balita ko rin ay may isasampa pang criminal case sa kanya ang isa pang former middle management employee na inapi niya. Tiyak ko na in due time ay magbabago na ang administrasyon. Titibay ang judicial system at sa MUNTI magma-MAYOR ang mataas na opisyal na ito ng KFC when justice is finally rendered.

    Yun namang may-ari. Napabalita in the past na marami kayong utang. OK lang yun, dahil sino ba ang walang utang? Ang mahirap po ay kung sa pagkatao kayo magkakautang.Kung kabuhayan ng inyong manggagawa ang inyong inutang. Malaking kasalanan sa Diyos ang pagtakwil sa inyong mga manggagawa. Ang inyong mga manggagawa ang natitira ninyong asset na di pwedeng iliit ng bangko o kaya'y mahila ng mga creditors. Sana ay huwag ninyong suklian ng pagsasamantala.

    ReplyDelete
  19. May iba pang nakarma sa mga opisyal ng kumpanyang ito. Meron pa akong nabalitaan na merong pang isa na inuperahan sa tumbong some years back. Naging parang chicharon bulaklak yata ang butas ng pwet or something. Itong si Mr. Almoranas ay nasa ibang kumpanya na yata ngayon pero owned and operated pa rin ng kumpanyang ito. Sabi ko na sa inyo, walang mangyayari sa pagsasamantala at pang-aapi ng manggagawa. Myembro pa raw ito ng isang catholic religious community pero sing kati ng almoranas niya ang ugali. Brother, masasabi ko lang sa yo na magbago ka na. Baka lumipat sa bibig mo ang almoranas mo dahil sa sobra mong sinungaling.

    Kayong mga RGM naman, please fight in the open. Ginagawa kayong parang bobo ng mga opisyal ninyo. Yung iba hinihiya pa. Akalain ninyong mas may tiwala pa sa mga CRA ang mga kumag na pinuno ninyo? Huwag ninyong ipapainsulto ang inyong pagkatao dahil mga walang kwentang tao itong nang-aapi sa inyo.

    FIGHT FOR WHAT YOU FEEL IS RIGHT DAHIL KASALANAN SA DIYOS AND TUMAHIMIK SA GITNA NG KASAMAAN.

    ReplyDelete
  20. 10 QUESTIONS I WISH TO ASK THE OFFICERS OF KFC WHILE THEY ARE HOOKED ON A POLYGRAPH MACHINE.

    Kung may nawawala, ang sinisisi ay RTM. Gamit agad ang polygraph machine at pag negative ang result, tanggal. Pati performance, polygraph machine pa rin ang hustisya de kutsilyo. Seguro puro inutil ang mga opisyal ninyo kaya polygraph machine na lang ang tanging inasahan.

    Kaya tuloy, naisip ko. ano kaya kung ang mga opisyal naman ninyo ang isabit natin sa polygraph machine. Papayag kaya sila? I am sure they should para patunayan na matitino sila at mabuting empleyado. Kung papayag sila sa panukalang ito, gusto ko sanang itanong ang mga sumusunod;

    1.) Totoo ba na dahil sa inyong mahinang foresights, nasayang ang maraming milyong piso dahil sa inyong pagkakabili ng mga leasehold rights sa Nova Mall, Sunshine Mall, Grand Central at iba pa?

    2.) Kumita ba kayo sa pagkakabili ninyo ng mga naturang leasehold rights?

    3.) Totoo ba na may mga kontrata kayong pinasukan na inyong nilagdaan hindi dahilan sa ito ay makakabuti sa kumpanya kundi dahilan sa kaibigan ninyo o kamag-anak ang inyong kakontrata?

    4.) Kumita ka ba sa naturang transaksyon?

    5.) Ikaw ba any may ginawang immoral, halimbawa'y relasyon sekswal with a subordinate o co-employee at ito ba ay nagpapatuloy sa mahabang panahon?

    6.) Dahilan ba sa relasyong ito kung kayat itinago mo o kaya'y pinagtanggol siya sa kanyang katiwalian o pagmamalabis?

    7.) Did you operate clandestine kitchens of KFC in the past in order to cheat YRI of royalties? Is it true that one of those clandestine kitchen or colorum KFC is situated beside Makati Cinema Square and the other one across SM in Las Pinas?

    8.) Sis you use company assets or connections to malls for the benefit of your own or your wife's business?

    9.) Did you create several companies and cooperatives in order to cheat the government of taxes and cheat workers of their rights and benefits?

    10.) Did you create intrigues, lied about a subordinate in order to discredit her or him, and shielded a friend from being sanctioned for her or his wrongdoings?

    Mas may katuturan ang polygraph machine kung sa mga opisyal ninyo gagamitin at itatanong sa kanila ang mga katanungan sa itaas.

    ReplyDelete
  21. Pahabol na tanong;

    11.) Totoo ba na dahilan sa inyong kahinaan at kaalan ng kontrol, malaking halaga ( in millions ) ang di pa ninyo nababawi sa mga lessors? Ito ay yung mga deposits and/or advance payments na dapat ninyong nabawi sa mga lessor nang di matuloy ang project o kaya's nag-expire na ang kontrata.

    ReplyDelete
  22. ask ko lang sainyo kung sumesweldo kau ng tama? kasi on my case hindi ako sumesweldo ng tama kahit nga payslip ala binibigay sakin kng magre2sign ako hindi ko naman maku2ha ung mga nagastos ko sayang dba?...ala n b talaga tamang systema ang kfc?

    ReplyDelete
  23. Maging ang di pagbigay sa yo nang payslip ay bawal.Ang di pagbabayad nang sapat ay mahigpit ding ipinagbabaal. Pwede kang magreklamo sa NLRC.

    ReplyDelete
  24. kamusta na ang lahat nang may problema sa KFC ? Alam na nating lahat na kinakailangan nating kumilos upang makamit ang katarungan. Hindi sapat ang umasa lamang sa pagkilos ng iba, ang bawat isa ay kinakailangang magkaroon ng bahagi sa pakikibaka para sa katarungan.

    ReplyDelete
  25. well, actually,tama naman kayo..useless talaga ang poligraph,besides hindi naman talaga toto yun di ba? panu nyo naman daw po gagawin ang pakikibaka kung mga opisyal ang kakalabanin nyo? mas maganda siguro kung ilapit nyo na lang sa DOLE angh problema nating mga RTM..thnx

    ReplyDelete
  26. Friends, help us bring the people's interest to the Senate! For the longest time, Ka Satur Ocampo and Liza Maza have been battling against contractual labor policies most especially the unfair practices of employers vs employees, and national policies that trample against the rights of workers... may they be contractual or regular.

    This May 10, let us forward the employee's interest. Vote and campaign for senatoriables (#37) Satur Ocampo and (#33) Liza Maza!

    http://www.kodao.org/blog/contributor/why-we-need-satur-ocampo-liza-maza-senate

    Thanks!

    ReplyDelete
  27. Please visit Pinoy Exchange and post your sentiments in the thread " KFC FIRES CREWS ON THE BASIS OF LIE DETECTOR TEST "

    Mainit ang balitaktakan doon.

    ReplyDelete
  28. Bago na ang administrasyon, I think dapat na ring magbago ang kalakalan sa mga Fastfood Chains. Tulad nitong nangyayayari ngayon sa KFC. This is terrible. Si Mr. Almoranas ay nakarma na ng tuluyan at ang balita ko ay galit sa akin. Let us keep alive the cause of the aggrieved crews of KFC.

    ReplyDelete
  29. An Open Letter to President Benigno Aquino III

    Dear Mr. President,

    When your mother became president almost 25 years ago, one of the changes she instituted was the protection of the working class. I was a manager of a fastfood chain at that time and I still can remember that we were very much apprehensive then that the administration of your mother was very protective of labor.

    THe culture that you inherited from GMA is the reverse. Haven't you wonder why such practices such as contractualization, use of bogus companies and even cooperatives in order circumvent the law is very common in the workplace ? GARAPAL na po ang kapal ng pagmumukha ng ilan sa ating mga negosyante lalo na yaong mga nasa fastfood industry.

    What aggravates this culture of labor exploitation is the fact that DOLE and NLRC are utterly pro-employers. Please review the decisions of labor arbiters and even that of different divisions and you will notice that most of their decisions favor management. Bulag sila sa mga pagsasamantala at ang natulungan lang nila ay ang management. Sana ang ipinangalang na lang sa DOLE ay DEpartment ng Lecheng Employer at sa NLRC ay Nakutsabang Lokohin mga Restaurant Crews. Mr. President, wala na pong titindi pa sa pagsasamantala ng mga fastfood chaions sa kanilang mga crew members.

    Mr. President, it is not yet too late. I hope that you will order an investigation into this matter and if a company is found culpable, the wheel of justice should roll over them.

    I also hope that you will look into the plight of the illegally dismissed employees of KFC. I am also calling on Congress and the senate to conduct investigation and enact laws that would render justice to aggrieved parties.

    We call on everyone to support this fight.

    ReplyDelete
  30. Ang bilis naman ng karma. Yun palang mga nireklamo ni Vickie sa mga naunang posts dito at wala na rin sa KFC....But then, they are liable for their acts in their personal capacities so may paglalagyan pa rin sila.

    Kung tatanggalin ang dalawang ito, sana isailalim din sila sa Lie detector tests with questions already enumerated in my previous posts. Malaking perwisyo ang ginawa ng dalawang iyan sa KFC, kung nahiomasmasan lang sina Agustines.

    ReplyDelete
  31. ganito din b sa tokyo-tokyo? kc nagre-requirememnts ako para sa tokyo-tokyo, tapos training daw sa ramcar. alam nio b ung FIRSTCORE MULTI-PURPOSE COOPERATIVE? dun kc pinapa-pasa requirements q. thank you ! bago ko mapasa, need ko ng advise nio.

    ReplyDelete